Anak ni Kulapo - isa ka ba don?

Monday, February 08, 2010

Ang blog na ito ay isa sa mga likha ni Buraot.  Nauna na natin syang nakilala sa kanyang "Ako si Buraot " (I am Buraot). Sa totoo lang , kung sino-sino ang pinagtanungan ko ng salitang Kulapo, sa aking pagkaka-alam ang kulapo ay yung iniinom, "Vino Kulapo" , tama ba iyon? Ang sabi ng ka-opisina ko ang ibig sabihin ng salitang Kulapo ay isang Datu na matapang, si Datu Kulapo. Ang sabi naman ni Ginoong Google ang kulapo ay pangalan ng isang isda - Bato-bato Kulapo, hindi ako makapaniwala sa nalaman ko na ito pala ay ang paborito kong isda na Lapu-lapu.

Siguradong pagagalitan ako ng guro ko nito sa Hekasi, dahil hindi ko alam kung ano ang Kulapo. Sabagay, tama kaya ang hinala ko na si Kulapo at si Lapu-lapu ay iisa, naku, kung nabubuhay lang sana ang ama ko, maaring alam na nya kung ano ang sagot sa tanong ko. Siguradong tawa ang maririnig ko dahil sa katangahan ko. 

Sino nga ba si Kulapo o ano ang makikita dito? Katulad ng nakasaad dito, mga mala impaktong kwentong kopong kopong.  Kabaligtaran ng unang nabangit kong Buraot, na malungkot at napaka senti ang nilalaman ng mga pahina, dito siguradong masisira ang upuan mo o siguradong laging punuan sa banyo. Bakit naman hindi, sa simula pa lamang ng pambanat na paalala, bawal ang mga bata dito at ang mga matatanda , kailangan din ng patnubay ng mga kabataan dahil baka dehins din ma gets.  Bigla ko tuloy naisip kung na-aangkop ba sa akin ang mga naka sulat dito, baka ma kurakot din ang utak ko. 

Habang binabasa ko ang mga kwento ng anak ni Dakilang Kulapo, di ko mapigil ang sarili ko na hindi tumawa, bakit kamo, sadyang kakaiba ang kanyang mga kwento parang kinuha talaga sa Timbuktu , hindi ako magtataka maaring kalahi ko talaga si Kulapo, pareho kaming pinanganak sa lugar na pag sumikat na ang buwan dapat tulog na ang mga tao o kailangan meron kang buntot ng pagi kung ayaw mong makita ang ik-ik sa tabi mo. 

Sadyang nakakatuwa ang mga nakalagay dito, bakit hindi nyo subukang basahin ang mga istorya ng Kopong-kopong,sakitchupoy, rapsadudels, boy bastos,usapang lasheng  ilan lamang ito sa mag papasakit ng ulo nyo. Kung ako ang tatanungin nyo, isang mabait na tao si Kulapo, ang kumontra talo.


"Pasintabi sa mga makakabasa, ito ay base lamang sa aking sariling kuro-kuro at wala akong balak makasakit ng sino pa mang tao, kung na gets mo ang sinabi ko baka ikaw din isa ka sa Anak ni Kulapo. "


You Might Also Like

1 comments

  1. hanef sa rebyu. tagalog. heheheh. sandamukal na tenkyu po.

    ReplyDelete

Thank you for your valuable comments. This is a PR2 blog with DO FOLLOW comment section. Your comments will be visible after being moderated.

Like us on Facebook

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Flickr Images

Enter your email address:

Get fresh news from your mail

I'll never share your info. Promise!